Thursday, October 17, 2013

ANG LiMANG TALANGKANG MAKASARiLi

written by Kharelle Mae M. Naduma
(Short Story)


Noong paleozoic era, sa dalampasigan ng Isla Paraiso, naninirahan ang limang magkakapatid na sina Talangkaka, Talangkeke, Talangkiki, Talangkoko, at Talangkuku. (a/n: pasenya, tmad mg'isip ng pngalan c author, haha) Ipinanganak sila na quintuplets at hindi ito kinaya ng kanilang ina kaya't namatay siya kaagad matapos silang isilang. Mag-isa silang pinalaki ng kanilang ama na si TalangKing.

Ngunit masyadong abala ang kanilang ama sa pamumuno ng kanilang kaharian at wala itong karanasan sa pagpapalaki ng bata. Walang siyang ideya kung paano sila palakihin ng tama. Hindi rin naging pantay ang kanyang tingin sa mga anak, dahilan kaya namuo ang inggit at sama ng loob sa bawat isa. Dahil wala na silang ina na siyang dapat na nag-aaruga at lubos na nagpaparamdam ng pagmamahal, halos araw-araw ay nakikipagkompetensya ang mga batang talangka sa bawat isa para sa pagmamahal at atensyon ng kanilang ama. Bottomline - silang lima ay mga KFC. (a/n: pasensya ulit, gutom na c author -_-)

Isang araw, bigla nalang namatay si TalangKing dahil sa AH1N1.  Lahat ng tao sa kaharian ay nabahala sapagkat para sa kanila, wala sa limang magkakapatid na talangka ang dapat na maging bagong hari dahil lahat sila ay pawang makasarili, nagmamarunong, laging nag-aaway, at laging nagtatalo kung sino ang pinakamagaling. Sa tuwing nagsasama silang lima ay isa lang ang kinahahantungan nito - G.U.L.O.

At nangyari nga ang inaasahang hindi inaasahan. Nagpasya ang limang talangka na hatiin sa lima ang dalampasigan. Bawat isa ay nagtayo ng kanya-kanyang kaharian. Lalong lumala ang gulo at kompetisyon sa pagitan ng magkakapatid - kesyo kung sino raw ang may pinakamaganda at pinakamalaking palasyo, kung sino ang pinakamayaman at blah blah blah.

Hindi nagustuhan ng mga mamamayan tulad nila alamang, kabibe, isdambituin, hayop ng siotsin at iba pa ang nangyayari kaya't nag-isip sila ng paraan upang matigil na ang kahibangan ng limang magkakapatid na talangka at ng maturuan sila ng leksyon.

Sabay-sabay silang nag-alsa laban sa pamumuno ng limang talangka  ngunit nagmatigas lamang ang mga ito kaya't ginamit na nila ang kanilang plan B. Kinuyog nila ang magkakapatid sa isang butas sa gubat ng isla na pinagtulungang hukayin ng mga mamamayan bago pa man sila nag-alsa.

Sa lalim ng butas ay hindi magawang makawala ng limang talangka. At dahil nasa gubat sila at wala sa mabuhanging dalampasigan ay nahirapan silang gamitin ang kanilang mga sipit. Dahil sa desperasyon, tinungtungan ni kaka si keke, nagbabakasakaling baka makalabas siya. Pero hinila siya ni kiki at ito naman ang tumungtong sa kanya. Hinila naman ni koko si kiki at siya ang tumungtong and so on and so forth. Naghilahan sila at pinatung-patungan ang isa't isa na tila walang ayaw magpatalo at gustong  unang makaalis sa butas. Again, nagkukumpetensya na naman sila mga mahal kong mambabasa, haisst -_-


Hanggang sa napagod nga sila. Napag-isip-isip nila na walang mangyayari kung lagi silang mag-uunahan. At dahil quintuplets nga sila, sabay-sabay din silang naka-isip ng brilliant idea! Napagdesisyonan nilang isantabi muna ang kanilang pagiging makasarili. Sa wakas, ginamit din nila ang kanilang mga utak ng tama.


Nagpatungpatung sila - nagpresenta si kuku na siya na sa ilalim na pinatungan ni koko, na pinatungan kiki, na pinatungan keke, na pinatungan naman ni kaka at naabot nga nila ang pinakataas ng butas. Nang makalabas si kaka inabot niya ang kamay ni keke, na inabot ang kamay ni kiki, na inabot ang kamay ni koko, na inabot ang kamay ni kuku hanggang sa lahat sila ay tuluyang nakalabas sa butas. Sa sobrang saya at tuwa ay nagyakapan sila at humingi ng tawad sa isa't isa. Napagtanto nila na mas mabuti kung lagi silang magtutulungan kaysa sa magkanya-kanya at makipagkompetensya. Nang bumalik sila sa kaharian ay binuo nilang muli ang kahariang kanilang hinati sa lima at bumaba sa kanilang mga posisyon.


Humanga ang mga mamamayan sa kanilang ginawang pagpapakumbaba. Tuluyan na nga nilang natutunan ang kanilang leksyon kaya't hinirang ulit silang lima ng mga mamamayan bilang kanilang mga pinuno. Ngunit di tulad ng dati, ngayon ay tulong-tulong na sila sa pamumuno ng kaharian. Pinunan ng bawat isa ang pagmamahal at atensyon na hindi nila naranasan sa kanilang mga magulang. At dahil doon, mas napamunuan nila ang kaharian ng tama. Ito'y naging mas maganda, masaya at payapa.

THE END :)
_________________________________________________________________________________


WAHAHA! I'm so proud of myself because I have written a story which really came from my own ideas, though I was inspired by a TV program. hehe
Thanks Ma'am Izza :) and sorry if it's not in English. I'm afraid I can't interpret or convey the things that I want to show to the readers so might as well write it in tagalog nalang para mas ma'express pjud nku ang akung ideas. haha.
Medyo informal din siya pagkasulat, I'm sorry for that but I like it that way.
I also plan to put dialogues pero basi mas mutaas lng ang story, dli na cia SHORT STORY, haha and basi kapoyan pud ka ug basa ma'am. concerned lng..hihi

This story is mainly about bayanihan - helping others than being selfish.
I saw this one episode of "Ang Pinaka" on NewsTV featuring the Top 10 Unfair Animal Depictions. The crab is on the list because of the popular term "crab mentality". 
Dr. Nielsen Donato explained there that, "Yung tinatawag na crab mentality nakuha natin iyan sa mga Spaniards na kapag may umaangat na isa, sisiraan ka para lang hindi ka yumaman or sumikat.
Pero hindi naman talaga naghihilahan pababa ang mga alimango. Sa katunayan, tinutulungan nila ang isa’t isa na makaakyat. Kapag naintindihan lang natin crabs they migrate, so kapag nagma-migrate iyan minsan umaakyat sila ng mga cliff. Para makapanik, umaakyat sila sa bawat isa para lang makatawid kung saan sila mangingitlog.”

 (And this was where I got an idea about what the focus of my story will be. Haha)

1 comment:

  1. The Casino War of Odds - Dr. Martin's Council on
    In 의정부 출장안마 the first 의왕 출장마사지 decades of the U.S. casino industry, gambling revenue and revenue fell, 강원도 출장안마 driven by the coronavirus 경기도 출장샵 outbreak. 문경 출장안마 The loss of

    ReplyDelete